Dati, akala ko, pinaka-masamang company na yung pinanggalingan ko. Now, narealize ko, yung akala ko ok na company, yun pa pala yung pinaka-malupit. Di ko alam kung minalas lang ba talaga ang asawa ko (napa-tyempo sa mahigpit na RSOO) o talaga masamang tao lang talaga ang asawa ko. Well, hindi naman talaga masama, nagkamali lang siya. Tao din naman kasi siya.
Di ko maintindihan sa kumpanya nya bakit ayaw pa nila iterminate ang asawa ko. Pinapatagal pa nila. Well, siguro ok na din, kasi para makapag-apply-apply pa siya sa ibang company. Tutal madami namang company ang nagiinterview pa din ng mga empleyadong currently under preventive suspension. And I am grateful there are. Mga open minded na companies.
Now I realized, ang pagiging suspended ay hindi basehan para sabihin na masama ang isang tao. Maaring flaw ng management dahil hindi sila magaling maghawak ng mga ganitong klaseng kaso. Maari ding pulitika ng mga gusto maging boss para makapagpasikat kaya hinihigpitan nila kuwari ang region niya. Sa katatayuan ng asawa ko (in fairness, sa tingin ko hindi ako biased haha) alam ko nagkamali ang asawa ko. Hindi ba pwede iterminate na lang siya? Kesa yung maghihintay kami sa wala? Ang hirap talaga maghintay, promise.
Ang daming nagsasabi dapat magresign na siya. Kinukutuban na sila na mateterminate ang mister ko. Pero kami, nagdecide kami na maghintay. Mahirap pero may tinuturo ang Lord sa amin. Ewan ko, tingin ko dapat di naman talaga ako maapektuhan ng ganito dahil may trabaho naman ako, pero siguro mahal ko lang talaga ang asawa ko. Ayokong nakikita ko siyang nahihirapan at nalulungkot. Kapag nakikita ko siyang ganun, nalulungkot din ako. Alam ko madami ding tao ang nalulungkot dahil sa sinapit nya. Sila nga nalulungkot, paano pa kaya kami.
Hindi ko alam papaano namin kinakaya. Nakakapasok pa din ako sa office. Naging maaga pa nga ako lagi. Though may mga tulala-moments, minsan naman nakakalimot ako. Yung asawa ko, aligaga pagaapply kung saan-saan.
Di pa pala ako graduate sa paghihintay. Akala ko expert na ko don. Nung naghintay ako magkaroon ng asawa, sobrang nahirapan ako sa paghihintay. Taon ang binilang ng paghihintay ko. Pero parang ngayon, nakalimutan ko paano ko ginawa ang makapaghintay ng ganoon katagal. Samantalang ngayon, 1 and a half month lang naman ako maghihintay, akala mo parang ikamamatay ko na sa lungkot.
Ang punto ko lang dito, may kagandahan ang paghihintay. Maaappreaciate mo ang buhay. Yung mga simpleng bagay na hindi mo napapansin, ngayon mamimiss mo. Yung mga simpleng kain sa labas kasama ang pamilya, mamimiss mo. Sa ngayon, mas gusto ko magmukmok sa bahay, kasi feeling ko pag nagmukmok ako, mauubos yung bigat, gagaan ang pakiramdam. Pero mali pala. Hindi siya nauubos. Sabi ng asawa ko, umiyak na daw ako sa office, para paguwi ko ng bahay, di ko na siya iiyakan, dahil hindi nya kaya makita akong umiiyak dahil sa kanya. Pakiramdam ko naman, sa kanya lang ako pwede umiyak, dahil sino pa ba ang iba na pwede ko iyakan bukod sa kanya. Sa tingin ko kailangan ko siya pagbigyan sa hiling nya. Dapat hindi ako magpakita na malungkot. Alam ko hindi nya gusto ang nangyari. Hindi nya sinasadya na saktan ako o ang pamilya ko. Ang gusto lang naman nya ay makapasa ng certification. Yun lang.
I am his weakness and God is my strength. I want the strength flow through my family. No weakness, in Jesus name!
Wait lang. Kahit ano pa outcome sa June 10, magiging masaya kami. Magcecelebrate kami. Kahit simpleng sundae lang sa McDo, magcecelebrate kami.
No comments:
Post a Comment