Friday, May 1, 2015

Legendary Speeches

Simula ng naging one of the 25 MSC Outstanding Alumni ako (glory be to God), parang nadadalas ako gumawa ng speech. I want to share these to everyone to glorify our Lord God for his goodness to me.

MSC Story: My Successful Career
I am always proud to be an MSC alumni. I treasure the wistful memories I had with MSC. When I get old, I mean, if I could get all the free time in the world, I would like to spend most of it telling wonderful stories to my son. And being a proud MSC alumni, I am very sure that my high school experiences spent in MSC will cover much part of those stories.
How MSC makes me proud is when I got interviewed by Hewlett-Packard Company. I owe MSC how I got hired. I told the interviewer that I came from a computer school and I always wanted to go back to a computer-related field, because of the experiences I had during high school days. Even if my college educational attainment is very far from being IT-related, this giant IT company trusted me to be part of their most significant and largest account. 5 years and counting in this company, my career reached several milestone already. A project that is part of the renewal of contract with the biggest and most valuable client of the company was assigned to me. By finishing the said project with high customer satisfaction rating was my biggest break. After that, promotion followed from a Level 2 support to an Incident Manager, overseeing the all the process of Procter and Gamble Shelf-to-Cash global operations.
Another way MSC makes me proud is when I passed UPCAT 11 years ago. The academic excellence MSC has made my way to my dream college institution. Aside from God and my family, I cannot think of any other persons to thank but my MSC family during my high school days—most especially the teachers who patiently taught me and my batch mates all the knowledge we needed to get into college. Moreover, the desire to contribute to community and society planted by MSC in my heart gave me the urge to run as Councilor in my college student council (College of Arts and Sciences). The experience I gained from being part of student council—from the election up to the deployment of the projects for my co-students- contributed a lot on how I think and speak, not only about my personal life but also about giving stand in social issues.
I will be forever thankful I was admitted to UP, because of the academic freedom I experienced that not all people are privileged to have. Aside from my willingness to study long hours, MSC trained me to have capability and skills I needed to survive UP.
Of course, having a successful career is not possible without having “the wind beneath the wings.” First, God is my main source of strength. Also, my family, who taught me the importance of education and sent me to a school which excels in educating the youth for 25 years now. My ever supportive husband and our little baby boy, Miguel, who are both my source of inspiration and make me sing every single day.
I still have many wishes for my career. One of those is to be a people manager to lead a group of great people who values excellence and relationship. I still have many wishes for my personal life. One of those is to travel more often with my family so we can enjoy adventures together. I still have many wishes for me to gain higher education. One of those is to finish law school and to pass bar exam. It is not only about the wishes coming true one by one, but it is also about inspiring people while in the journey to success. I realized that in spite of struggling with balancing my entire life, living with these endeavors makes life beautiful and God is making it all worth it in the end. Being nominated as one of the outstanding MSC alumni made me realize my achievements and on how MSC helped me to achieve those throughout the years- on how to be a role model, advocate of excellent education, and a person with strong moral values.
Let us celebrate MSC’s milestone of being a training ground that builds excellent and inspiring people! Happy 25th founding anniversary! Congratulations and I wish this milestone leads to a greater achievement in the years to come!
Kristal Vacarizas-Pirante

-Working mom

Panauhing Pandangal sa ika-__ Pagtatapos sa Mababang Paaralan ng San Diego

Sa lahat ng ating mga magsisipagtapos, guro, tagapamahala at kawani ng paaralan, at mga magulang, magandang hapon po sa inyong lahat.
Ang pagtatapos na ito ay katunayan at bunga ng sama-samang pagsusumikap—(1) pagsusumikap ng mga batang ito sa paga-aral upang makapagtapos, (2) pagsusumikap ng mga magulang na matugunan ang pangangailangan ng mga magsisipagtapos na ito sa kanilang paga-aral, (3) pagsusumikap ng mga guro upang magsilbing mga huwaran at pangalawang magulang sa mga magsisipagtapos na ito.
Bukod sa aking pagbati, nais ko rin po ipabatid na isang karangalan para sa akin ang maimbitahan upang maging panauhing tagapagsalita. Tita Marsha Villegas, salamat po. Isang pribelehiyo po sa akin ang maging kabahagi ng pagdiriwang na ito, at makapagbigay ng mensahe na nawa ay maisapuso hindi lamang ng mga magsisipagtapos na ito, kundi sa lahat sa ating naririto.
Ang mensaheng “Saktong buhay: Sa dekalidad na edukasyong pinanday”—ito ay isang pagpapaalala sa ating lahat ng kahalagahan ng edukasyon upang maabot ang ating pangarap.
Nais ko po magsimula sa pagbabahagi ng ilan sa aking mga naging karanasan nung ako ay isa pa lamang maga-aral.
Noong nakapagtapos po ako ng elementarya dito rin sa San Diego Elementary School, pinagisipan po ng aking pamilya kung saan ang papasukan ko na mataas na paaralan. Nagkwenta kami ng mga magagastos—isa sa mga isinaalang-alang namin ang pamasahe araw-araw (mas malayo ang lugar sa aming bahay, mas malaki ang pamasahe na kakailanganin araw araw). Kung saan mas makakatipid ay doon ako papasok. Dahil ako po ay nakapagtapos ng valedictorian, maraming paaralan ang nagalok sa akin ng scholarship at nagkaroon kami ng mas maraming pagpipilian, parehong publiko at pribadong paaralan. Dahil pinakamalapit at isang daang pursiyentong scholarship na inalok, sa MSC po ako pumasok.
Nakatapos ako ng sekondarya at pagpili naman ng kolehiyo ang aking naging pagsubok. Hindi ako humiling sa aking pamilya na ipasok ako sa mga kilala na pambansang pamantasan dahil ayoko silang mahirapan sa pagpapaaral sa akin. Batid ko na mahigpit ang kompetisyon sa daigdig ng paghahanapbuhay pagkatapos ng kolehiyo kaya umasa pa rin ako makakapasok sa isang pamantasan. Dahil ako ay nananampalataya na walang imposible sa aking Diyos, humiling ako na makapasok ako sa isang kilala na pambansang pamantasan. May kabayaran din ang pagkuha ng mga entrance exam at mahirap lumuwas ng maynila kaya sa UPLB lang po ako ng exam. Sinabi ko sa sarili ko na kung hindi ako makakapasa sa UP, saka ako mamimili ng isa sa mga paaralan dito sa San Pablo. Hindi na ako umabot sa pagpili ng paaralan dito sa San Pablo dahil sa biyaya ng Panginoon, nakapasa ako sa UPLB. Dahil din po sa biyaya ng Panginoon, hindi lang ako po nakapasa, nakapasok rin po ako sa Student Financial Assistance Program, 45pesos kada semester ang aking binayaran.
Bukod pa po doon, nakakuha rin po ako ng slot para maging student assistant. Sa aking mga libreng oras sa pagaaral, ako po ay nagtrabaho sa Admin ng UPLB upang magkaroon ako ng kita. Mayroon din po akong kamaganak na nagbibigay ng isang libo isang buwan upang makatulong sa aking pagaaral. Ang mga ito ay nakatulong upang mabawasan ang hihingin kong pamasahe/baon sa aking pamilya.
Nagpapasalamat po ako sa aking pamilya, kahit hindi maalwan ang buhay namin noon, hindi sila sumuko para maitaguyod ang aking pagaaral hanggang kolehiyo.
Kita ko po ang pagsusumikap ng aking pamilya noon. Ang lola ko po ay nagtinda ng gulay sa bulante at ng aking ama at ina naman ay walang permanenteng hanap-buhay. Noong ako ay nagaaral pa ng kolehiyo, ako po ay madalas dadaan muna sa bulante upang humingi ng pamasahe sa aking lola para makapasok. Madalas pa kami nagtatalo noon sa harap ng kanyang mga suki dahil marami akong kailangan na babasahin sa aming klase at kailangan ko ng karagdagang halaga upang makapagpa-“photocopy” ng mga aralin. Hinding-hindi ko po malilimutan iyon, kahit umuulan at maputik, kailangan pa rin magtinda ang aking lola noon para may maibigay na pamasahe sa akin. Minsan, kahit wala akong tulog noon dahil sa pagaaral at pagrereview para sa exams, kailangan ko pa ring maglaan ng oras upang dumaan sa bulante para kumuha ng pamasahe. Ang pagiging salat sa pangangailangan ng aming pamilya ay hindi po naging hadlang. Bagkus, nagsilbi pa ang sitwasyon na iyon na inspirasyon upang lalong magsikap dahil gusto namin sa aming pamilya makaranas ng saktong buhay balang araw.
Sa aking mga naging karanasan, tatlong katotohanan tungkol sa saktong buhay ang nais ko ibahagi:
Totoo, hindi lamang edukasyon ang paraan upang maabot ang ating mga pangarap. May mga nakikilala tayo o napapanood sa telebisyon na naging matagumpay rin kahit hindi nakapagtapos ng paga-aral. Ngunit aminin po natin na ang mga kasong ganoon ay mas malimit lamang ng kaunti kaysa hindi. Napakabihira ng ganoong pangyayari at kung hindi natin pahahalagahan ang edukasyon, mas magiging maliit ang tsansa ng sinuman na maabot ang kanyang mga pangarap.
Totoo din po na sa sitwasyon ng ating bansa-- mataas na buwis, traffic sa EDSA, tumataas na presyo ng mga bilihin ngunit hindi tumataas ang sweldo-- hindi natin masisisi ang mga taong nagbibitaw ng  mga salitang, wala ng pag-asa ang Pilipinas, hindi na tayo uunlad. Ngunit huwag po sana natin ipagwalang bahala ang mga magagandang nangyayari sa ating bansa na nagsisilbing paghahanda sa isang mas magandang kinabukasan. Naniniwala akong bawat isa sa atin ay may kakayanan at kung bawat isa sa atin ay magsisikap para sa kahusayan, tayo ay uunlad. Ang kaisipang hindi na tayo uunlad ay hindi katanggap-tanggap na dahilan upang hindi pahalagahan ang edukasyon bilang daan sa pagabot ng ating mga mithiin.
Para sa ikatlong at huling katotohanan na nais ko ibahagi, hindi po madali na makamit ang saktong buhay. Gaya po ng sinabi ko sa aking panimula, ang pagtatapos na ito ay katunayan ng sama-samang pagsusumikap, hindi lamang ng mga maga-aral, kundi pati ng mga guro, magulang, mga tagapamahala at kawani ng paaralan. Ang okasyon po na ito ay isang pagdiriwang dahil nalampasan natin ang lahat ng pagsubok, dahil sa ating mga pagsusumikap. Bagamat pagtatapos po ang tawag sa pagdiriwang na ito, ito ay isang panimula—panibagong pinto ng mga pagsubok ang mabubuksan. Ngunit ang kagandahan po nito, matapos natin malagpasan ang mga pagsubok, isang “saktong buhay” ang naghihintay sa atin.
Ang aking pabaon sa inyong kabataan na magsisipagtapos ngayon, pahalagahan ninyo ang inyong pamilya. Mag-asam ng saktong buhay para sa kanila. Sa pagaasam na iyon, doon magmumula ang lahat ng lakas na kailangan nyo sa pagsusumikap. Lahat ng magiging desisyon ninyo, magsisilbing gabay ang pagaasam na iyon. Ang pagaasam na iyon ay galing sa Panginoon, ingatan ninyo iyon at laging isipin na ang pagpapahalaga sa edukasyon ang magbubukas ng mga oportunidad sa pagkamit ng isang marangal na buhay, isang buhay na hindi lamang para sa ating sarili, kundi para rin sa ating kapwa.
Maraming salamat po.


At this moment, ok na si Adrian. Hindi na siya malungkot sa preventive suspension na iginawad sa kanya ng company nya. Basta ako masaya ako! Haha. Isipin nyo na na masamang asawa ako, pero miss na miss ko lang talaga ang asawa ko. Haha. God's will be done. Mahirap ang pinagdadaanan namin pero by the grace of God, kakayanin! Nabanggit ko to kasi ako din yung gumawa ng memo to explain nya. Haha. Pero di ko na lang ipopost dito. :) I love you Lord! Thank you for giving us Christ who strengthens us. :)

No comments:

Post a Comment