Dear God,
Hindi ko alam kung anong plano Mo sa amin ni Adrian. Pero kung ano man po yun, tatanggapin po namin. Kahit panget ang kahinatnan, alam ko sa kabila noon ay may mas maganda Kang plano sa amin. Di mo hahayaan na maging malungkot na lang kami habang buhay at pagdusahan ang kasalanan sa matagal na panahon. Alam ko gusto Mo na makaahon kami. Turuan Nyo po kami kung pano. Malalim po ang sugat at alam ko po na kakailanganin ng oras para ito ay maghilom. Ikaw ay dakila. Ikaw ang Diyos na makapangyarihan. Mahina po kami kung wala Kayo. Hindi lang po kami sanay na may hindi magandang mangyayari sa aming pamilya at hindi po magandang patotoo ang mangyayari. Pero alam ko po na it will make sense. Di ko lang po alam kung soon o kung gano katagal. Sobrang lungkot po Panginoon pero maghihintay po kami. Hindi ko po alam kung may mas lulungkot pa sa mga pwedeng mangyari. Di ko alam kung magaaway pa ulit kami ni Adrian dahil dito. Ayoko na po Lord. Di naman po sa sumusuko ako na tipong magpapatiwakal na ko. Ayoko lang po na lutang ako sa kakaisip. Gusto ko na po magkaroon ng peace of mind. Gusto ko na po malaman kung saan kami pupulutin ng pamilya ko. Kung anong klaseng pasko po meron kami. Basta kumpleto kami siguro ok na po yun. Magagawan naman po ng paraan lahat. We are taking one day at a time. Tulungan Nyo po ako sa trabaho ko na matapos ko ito on-time. Sana manalo po kami sa sayaw. Para po may dagdag kita din. Bukas po ay panibagong araw.
Salamat po.
Tuesday, December 1, 2015
Wednesday, May 27, 2015
The Beauty of Waiting
Dati, akala ko, pinaka-masamang company na yung pinanggalingan ko. Now, narealize ko, yung akala ko ok na company, yun pa pala yung pinaka-malupit. Di ko alam kung minalas lang ba talaga ang asawa ko (napa-tyempo sa mahigpit na RSOO) o talaga masamang tao lang talaga ang asawa ko. Well, hindi naman talaga masama, nagkamali lang siya. Tao din naman kasi siya.
Di ko maintindihan sa kumpanya nya bakit ayaw pa nila iterminate ang asawa ko. Pinapatagal pa nila. Well, siguro ok na din, kasi para makapag-apply-apply pa siya sa ibang company. Tutal madami namang company ang nagiinterview pa din ng mga empleyadong currently under preventive suspension. And I am grateful there are. Mga open minded na companies.
Now I realized, ang pagiging suspended ay hindi basehan para sabihin na masama ang isang tao. Maaring flaw ng management dahil hindi sila magaling maghawak ng mga ganitong klaseng kaso. Maari ding pulitika ng mga gusto maging boss para makapagpasikat kaya hinihigpitan nila kuwari ang region niya. Sa katatayuan ng asawa ko (in fairness, sa tingin ko hindi ako biased haha) alam ko nagkamali ang asawa ko. Hindi ba pwede iterminate na lang siya? Kesa yung maghihintay kami sa wala? Ang hirap talaga maghintay, promise.
Ang daming nagsasabi dapat magresign na siya. Kinukutuban na sila na mateterminate ang mister ko. Pero kami, nagdecide kami na maghintay. Mahirap pero may tinuturo ang Lord sa amin. Ewan ko, tingin ko dapat di naman talaga ako maapektuhan ng ganito dahil may trabaho naman ako, pero siguro mahal ko lang talaga ang asawa ko. Ayokong nakikita ko siyang nahihirapan at nalulungkot. Kapag nakikita ko siyang ganun, nalulungkot din ako. Alam ko madami ding tao ang nalulungkot dahil sa sinapit nya. Sila nga nalulungkot, paano pa kaya kami.
Hindi ko alam papaano namin kinakaya. Nakakapasok pa din ako sa office. Naging maaga pa nga ako lagi. Though may mga tulala-moments, minsan naman nakakalimot ako. Yung asawa ko, aligaga pagaapply kung saan-saan.
Di pa pala ako graduate sa paghihintay. Akala ko expert na ko don. Nung naghintay ako magkaroon ng asawa, sobrang nahirapan ako sa paghihintay. Taon ang binilang ng paghihintay ko. Pero parang ngayon, nakalimutan ko paano ko ginawa ang makapaghintay ng ganoon katagal. Samantalang ngayon, 1 and a half month lang naman ako maghihintay, akala mo parang ikamamatay ko na sa lungkot.
Ang punto ko lang dito, may kagandahan ang paghihintay. Maaappreaciate mo ang buhay. Yung mga simpleng bagay na hindi mo napapansin, ngayon mamimiss mo. Yung mga simpleng kain sa labas kasama ang pamilya, mamimiss mo. Sa ngayon, mas gusto ko magmukmok sa bahay, kasi feeling ko pag nagmukmok ako, mauubos yung bigat, gagaan ang pakiramdam. Pero mali pala. Hindi siya nauubos. Sabi ng asawa ko, umiyak na daw ako sa office, para paguwi ko ng bahay, di ko na siya iiyakan, dahil hindi nya kaya makita akong umiiyak dahil sa kanya. Pakiramdam ko naman, sa kanya lang ako pwede umiyak, dahil sino pa ba ang iba na pwede ko iyakan bukod sa kanya. Sa tingin ko kailangan ko siya pagbigyan sa hiling nya. Dapat hindi ako magpakita na malungkot. Alam ko hindi nya gusto ang nangyari. Hindi nya sinasadya na saktan ako o ang pamilya ko. Ang gusto lang naman nya ay makapasa ng certification. Yun lang.
I am his weakness and God is my strength. I want the strength flow through my family. No weakness, in Jesus name!
Wait lang. Kahit ano pa outcome sa June 10, magiging masaya kami. Magcecelebrate kami. Kahit simpleng sundae lang sa McDo, magcecelebrate kami.

Friday, May 1, 2015
Legendary Speeches
Simula ng naging one of the 25 MSC Outstanding Alumni ako (glory be to God), parang nadadalas ako gumawa ng speech. I want to share these to everyone to glorify our Lord God for his goodness to me.
Panauhing Pandangal sa ika-__ Pagtatapos sa Mababang Paaralan ng San Diego
At this moment, ok na si Adrian. Hindi na siya malungkot sa preventive suspension na iginawad sa kanya ng company nya. Basta ako masaya ako! Haha. Isipin nyo na na masamang asawa ako, pero miss na miss ko lang talaga ang asawa ko. Haha. God's will be done. Mahirap ang pinagdadaanan namin pero by the grace of God, kakayanin! Nabanggit ko to kasi ako din yung gumawa ng memo to explain nya. Haha. Pero di ko na lang ipopost dito. :) I love you Lord! Thank you for giving us Christ who strengthens us. :)
MSC
Story: My Successful Career
I am always
proud to be an MSC alumni. I treasure the wistful memories I had with MSC. When
I get old, I mean, if I could get all the free time in the world, I would like
to spend most of it telling wonderful stories to my son. And being a proud MSC
alumni, I am very sure that my high school experiences spent in MSC will cover much
part of those stories.
How MSC makes
me proud is when I got interviewed by Hewlett-Packard Company. I owe MSC how I
got hired. I told the interviewer that I came from a computer school and I always
wanted to go back to a computer-related field, because of the experiences I had
during high school days. Even if my college educational attainment is very far
from being IT-related, this giant IT company trusted me to be part of their
most significant and largest account. 5 years and counting in this company, my
career reached several milestone already. A project that is part of the renewal
of contract with the biggest and most valuable client of the company was
assigned to me. By finishing the said project with high customer satisfaction rating
was my biggest break. After that, promotion followed from a Level 2 support to
an Incident Manager, overseeing the all the process of Procter and Gamble
Shelf-to-Cash global operations.
Another way
MSC makes me proud is when I passed UPCAT 11 years ago. The academic excellence
MSC has made my way to my dream college institution. Aside from God and my
family, I cannot think of any other persons to thank but my MSC family during
my high school days—most especially the teachers who patiently taught me and my
batch mates all the knowledge we needed to get into college. Moreover, the
desire to contribute to community and society planted by MSC in my heart gave
me the urge to run as Councilor in my college student council (College of Arts
and Sciences). The experience I gained from being part of student council—from
the election up to the deployment of the projects for my co-students-
contributed a lot on how I think and speak, not only about my personal life but
also about giving stand in social issues.
I will be
forever thankful I was admitted to UP, because of the academic freedom I experienced
that not all people are privileged to have. Aside from my willingness to study
long hours, MSC trained me to have capability and skills I needed to survive
UP.
Of course,
having a successful career is not possible without having “the wind beneath the
wings.” First, God is my main source of strength. Also, my family, who taught
me the importance of education and sent me to a school which excels in
educating the youth for 25 years now. My ever supportive husband and our little
baby boy, Miguel, who are both my source of inspiration and make me sing every
single day.
I still have
many wishes for my career. One of those is to be a people manager to lead a
group of great people who values excellence and relationship. I still have many
wishes for my personal life. One of those is to travel more often with my
family so we can enjoy adventures together. I still have many wishes for me to
gain higher education. One of those is to finish law school and to pass bar
exam. It is not only about the wishes coming true one by one, but it is also
about inspiring people while in the journey to success. I realized that in
spite of struggling with balancing my entire life, living with these endeavors
makes life beautiful and God is making it all worth it in the end. Being nominated
as one of the outstanding MSC alumni made me realize my achievements and on how
MSC helped me to achieve those throughout the years- on how to be a role model,
advocate of excellent education, and a person with strong moral values.
Let us
celebrate MSC’s milestone of being a training ground that builds excellent and
inspiring people! Happy 25th founding anniversary! Congratulations
and I wish this milestone leads to a greater achievement in the years to come!
Kristal Vacarizas-Pirante
-Working mom
Panauhing Pandangal sa ika-__ Pagtatapos sa Mababang Paaralan ng San Diego
Sa lahat ng ating mga magsisipagtapos, guro, tagapamahala at
kawani ng paaralan, at mga magulang, magandang hapon po sa inyong lahat.
Ang pagtatapos na ito ay katunayan at bunga ng sama-samang
pagsusumikap—(1) pagsusumikap ng mga batang ito sa paga-aral upang makapagtapos,
(2) pagsusumikap ng mga magulang na matugunan ang pangangailangan ng mga
magsisipagtapos na ito sa kanilang paga-aral, (3) pagsusumikap ng mga guro
upang magsilbing mga huwaran at pangalawang magulang sa mga magsisipagtapos na
ito.
Bukod sa aking pagbati, nais ko rin po ipabatid na isang
karangalan para sa akin ang maimbitahan upang maging panauhing tagapagsalita. Tita
Marsha Villegas, salamat po. Isang pribelehiyo po sa akin ang maging kabahagi
ng pagdiriwang na ito, at makapagbigay ng mensahe na nawa ay maisapuso hindi
lamang ng mga magsisipagtapos na ito, kundi sa lahat sa ating naririto.
Ang mensaheng “Saktong buhay: Sa dekalidad na edukasyong
pinanday”—ito ay isang pagpapaalala sa ating lahat ng kahalagahan ng edukasyon
upang maabot ang ating pangarap.
Nais ko po magsimula sa pagbabahagi ng ilan sa aking mga naging
karanasan nung ako ay isa pa lamang maga-aral.
Noong nakapagtapos po ako ng elementarya dito rin sa San
Diego Elementary School, pinagisipan po ng aking pamilya kung saan ang
papasukan ko na mataas na paaralan. Nagkwenta kami ng mga magagastos—isa sa mga
isinaalang-alang namin ang pamasahe araw-araw (mas malayo ang lugar sa aming
bahay, mas malaki ang pamasahe na kakailanganin araw araw). Kung saan mas
makakatipid ay doon ako papasok. Dahil ako po ay nakapagtapos ng valedictorian,
maraming paaralan ang nagalok sa akin ng scholarship at nagkaroon kami ng mas
maraming pagpipilian, parehong publiko at pribadong paaralan. Dahil pinakamalapit
at isang daang pursiyentong scholarship na inalok, sa MSC po ako pumasok.
Nakatapos ako ng sekondarya at pagpili naman ng kolehiyo ang
aking naging pagsubok. Hindi ako humiling sa aking pamilya na ipasok ako sa mga
kilala na pambansang pamantasan dahil ayoko silang mahirapan sa pagpapaaral sa
akin. Batid ko na mahigpit ang kompetisyon sa daigdig ng paghahanapbuhay
pagkatapos ng kolehiyo kaya umasa pa rin ako makakapasok sa isang pamantasan. Dahil
ako ay nananampalataya na walang imposible sa aking Diyos, humiling ako na
makapasok ako sa isang kilala na pambansang pamantasan. May kabayaran din ang
pagkuha ng mga entrance exam at mahirap lumuwas ng maynila kaya sa UPLB lang po
ako ng exam. Sinabi ko sa sarili ko na kung hindi ako makakapasa sa UP, saka
ako mamimili ng isa sa mga paaralan dito sa San Pablo. Hindi na ako umabot sa
pagpili ng paaralan dito sa San Pablo dahil sa biyaya ng Panginoon, nakapasa
ako sa UPLB. Dahil din po sa biyaya ng Panginoon, hindi lang ako po nakapasa,
nakapasok rin po ako sa Student Financial Assistance Program, 45pesos kada
semester ang aking binayaran.
Bukod pa po doon, nakakuha rin po ako ng slot para maging
student assistant. Sa aking mga libreng oras sa pagaaral, ako po ay nagtrabaho
sa Admin ng UPLB upang magkaroon ako ng kita. Mayroon din po akong kamaganak na
nagbibigay ng isang libo isang buwan upang makatulong sa aking pagaaral. Ang
mga ito ay nakatulong upang mabawasan ang hihingin kong pamasahe/baon sa aking
pamilya.
Nagpapasalamat po ako sa aking pamilya, kahit hindi maalwan
ang buhay namin noon, hindi sila sumuko para maitaguyod ang aking pagaaral
hanggang kolehiyo.
Kita ko po ang pagsusumikap ng aking pamilya noon. Ang lola ko
po ay nagtinda ng gulay sa bulante at ng aking ama at ina naman ay walang
permanenteng hanap-buhay. Noong ako ay nagaaral pa ng kolehiyo, ako po ay madalas
dadaan muna sa bulante upang humingi ng pamasahe sa aking lola para makapasok.
Madalas pa kami nagtatalo noon sa harap ng kanyang mga suki dahil marami akong
kailangan na babasahin sa aming klase at kailangan ko ng karagdagang halaga
upang makapagpa-“photocopy” ng mga aralin. Hinding-hindi ko po malilimutan
iyon, kahit umuulan at maputik, kailangan pa rin magtinda ang aking lola noon
para may maibigay na pamasahe sa akin. Minsan, kahit wala akong tulog noon dahil
sa pagaaral at pagrereview para sa exams, kailangan ko pa ring maglaan ng oras
upang dumaan sa bulante para kumuha ng pamasahe. Ang pagiging salat sa
pangangailangan ng aming pamilya ay hindi po naging hadlang. Bagkus, nagsilbi pa
ang sitwasyon na iyon na inspirasyon upang lalong magsikap dahil gusto namin sa
aming pamilya makaranas ng saktong buhay balang araw.
Sa aking mga naging karanasan, tatlong katotohanan tungkol
sa saktong buhay ang nais ko ibahagi:
Totoo, hindi lamang edukasyon ang paraan upang maabot ang
ating mga pangarap. May mga nakikilala tayo o napapanood sa telebisyon na
naging matagumpay rin kahit hindi nakapagtapos ng paga-aral. Ngunit aminin po
natin na ang mga kasong ganoon ay mas malimit lamang ng kaunti kaysa hindi.
Napakabihira ng ganoong pangyayari at kung hindi natin pahahalagahan ang
edukasyon, mas magiging maliit ang tsansa ng sinuman na maabot ang kanyang mga
pangarap.
Totoo din po na sa sitwasyon ng ating bansa-- mataas na
buwis, traffic sa EDSA, tumataas na presyo ng mga bilihin ngunit hindi tumataas
ang sweldo-- hindi natin masisisi ang mga taong nagbibitaw ng mga salitang, wala ng pag-asa ang Pilipinas,
hindi na tayo uunlad. Ngunit huwag po sana natin ipagwalang bahala ang mga
magagandang nangyayari sa ating bansa na nagsisilbing paghahanda sa isang mas magandang
kinabukasan. Naniniwala akong bawat isa sa atin ay may kakayanan at kung bawat
isa sa atin ay magsisikap para sa kahusayan, tayo ay uunlad. Ang kaisipang
hindi na tayo uunlad ay hindi katanggap-tanggap na dahilan upang hindi pahalagahan
ang edukasyon bilang daan sa pagabot ng ating mga mithiin.
Para sa ikatlong at huling katotohanan na nais ko ibahagi,
hindi po madali na makamit ang saktong buhay. Gaya po ng sinabi ko sa aking
panimula, ang pagtatapos na ito ay katunayan ng sama-samang pagsusumikap, hindi
lamang ng mga maga-aral, kundi pati ng mga guro, magulang, mga tagapamahala at
kawani ng paaralan. Ang okasyon po na ito ay isang pagdiriwang dahil nalampasan
natin ang lahat ng pagsubok, dahil sa ating mga pagsusumikap. Bagamat
pagtatapos po ang tawag sa pagdiriwang na ito, ito ay isang panimula—panibagong
pinto ng mga pagsubok ang mabubuksan. Ngunit ang kagandahan po nito, matapos
natin malagpasan ang mga pagsubok, isang “saktong buhay” ang naghihintay sa
atin.
Ang aking pabaon sa inyong kabataan na magsisipagtapos
ngayon, pahalagahan ninyo ang inyong pamilya. Mag-asam ng saktong buhay para sa
kanila. Sa pagaasam na iyon, doon magmumula ang lahat ng lakas na kailangan nyo
sa pagsusumikap. Lahat ng magiging desisyon ninyo, magsisilbing gabay ang pagaasam
na iyon. Ang pagaasam na iyon ay galing sa Panginoon, ingatan ninyo iyon at
laging isipin na ang pagpapahalaga sa edukasyon ang magbubukas ng mga
oportunidad sa pagkamit ng isang marangal na buhay, isang buhay na hindi lamang
para sa ating sarili, kundi para rin sa ating kapwa.
Maraming salamat po.
Wednesday, April 1, 2015
Motherly Career
Dumadating talaga sa buhay ng isang career mom ang dilemma. Sa pagkakataong walang makakaintindi sayo kundi ang sarili mo lang, wala kang mapagsabihan ng nasa sa loob mo. Gusto mo na lang magshopping para lumipas ang pagka-guilty na nararamdaman mo sa tuwing iiwan mo ang anak mo para magtrabaho.
Tama, shopping lang ang solusyon. Baka need ko lang mag-shopping. Kaso pano? Holy week ngayon. Sarado ang mga malls.
Paano kung taasan pa lalo ng company mo ang sweldo mo? Papaano kung may mga job opportunities na nagaalok sayo ng mas mataas na sweldo? Pero ang kapalit ay oras para sa anak mo? Anong pipiliin mo?
Importante sa akin ang anak ko. Importante din sa akin ang asawa ko. Gusto ko sila paglaanan ng oras kaysa sa trabaho. Gusto ko din magtrabaho para hindi naman 100% ng oras ko ay nasa pamilya ko. Parang "me time" ko ang trabaho.
Pero pag napapagod ako sa trabaho, lalo na pag unreasonable na ang workload, gusto ko na maging nanay. Pag naman naaalala ko na gusto ko may "me time", tinitiis ko na lang ang trabaho. Alam ko na mas mahirap ang maging full-time housewife. Walang restday. 24x7 ang shift. At ang masaklap pa, walang sweldo.
Anyway, mukhang ito naman talaga ang pinapagawa ng Lord sa akin. Pero alam ko di ko nagagampanan ang trabaho ko dahil lagi ako late. Hinahayaan ko ang kasama ko na gawin lahat ng trabaho.
Bahala na nga! God's will be done.

Monday, May 26, 2014
Our Garden Wedding -- Pictorial (2nd Installment)
Pagpasensyahan nyo na ang kaartehan naming mag-asawa. Actually, kulang pa to kasi nagmamadali kami sa photoshoot dahil sabi ng tito ko, wag daw pagantayin yung mga tao. Kaya ayun, konti lang pictorial namin nung may araw pa. Pati mga photog namin, bitin na bitin sa pictorial. Sobrang nag-enjoy din sila sa kakulitan namin ni Adrian. :)
Credits to the master photog of our wedding na naging kaibigan din namin, Wen Gonzales. Pinakilala siya ni Cheska (kilala nyo na siya if nababasa nyo yung mga previous posts ko dati. Haha!) Sobrang bait ni Wen at ang galing pa! Sobrang natuwa kami ng asawa ko sa mga creative shots nya. :) Kitang-kita ang passion niya sa photography.
You'll see more pics on my other two upcoming posts about our garden wedding. Abangan nyo yan! :)
Tuesday, May 20, 2014
Our Garden Wedding -- Ceremony (1st Installment)
Ganyan namin kamahal ang isa't-isa. Dalawang kasal.
Since masyado kaming madaming pictures (thanks to Wen Gonzales, the greatest photographer of all time! Thanks sa discount! :)) hahatiin ko and wedding blog ko into four installments-- Ceremony, Pictorial, Preparation, Reception.
Basically, dito sa ceremony, makikita nyo yung mga kamag-anak at friends naming mag-asawa. Hehe. Saan pa ba namin kukunin ang entourage namin?
Siyempre, di mabubuo ang kasiyahan naming magasawa kung hindi magiging kabahagi ang mga mahal namin sa buhay at mga malalapit na kaibigan. Lahat ng kakilala namin, gusto namin maramdaman nila na importante sila lahat sa aming mag-asawa. Nagpapasalamat ako na naging posible yun, kahit na wala naman talaga kaming malaking budget para sa kasal, nairaos namin ang aming kasal. Naimbita namin lahat ng gusto namin imbitahin ng walang restrictions, at nakapunta ang lahat ng gusto pumunta na walang ikinakabahala na baka magkulang ang handa, etc.
Ang mga bawat sandali sa garden wedding namin ay hindi namin malilimutang mag-asawa, dahil dito ay naging malapit kami lalo sa isa't-isa. Nakilala naming lalo ang isa't isa. Nakakilala kami ng mga bagong tao sa preparation. Nangailangan kami ng tulong ng mga tao. Nakita namin kung sino ang mga taong handang tumulong-- na ang pamilya lang ang masasandalan mo sa panahon ng pangangailangan. Ang kaibigan ay nandyan din, pero higit na iba ang tulong na nanggagaling sa kapamilya. Puro, walang hinihintay na kapalit.
Para ma-feel nyo yung setting, eto yung garden wedding set-up. Tinulungan kami ng churchmate namin from Victory San Pablo na naga-aral ng interior designing. Since churchmate namin siya at ang ministry nya ay tumulong talaga sa mga tao, free ang services. Yung mga gamit na lang talaga yung binayaran namin.
Watch out for my other three photodiary blog about our garden wedding. :)

We rented bubble machine for 500 pesos to add an intimate ambience sa garden.
The band we rented, also our churchmates. So discounted din. :D All of their family members are all musicians, from kalolo-lolo-han down to their generation-- kaya sobrang galing nila.
Ang mga makukulit na abay.
My family.
My immediate family-in-law.
My relatives-in-law.
Ninongs and ninangs.
Entourage.
Entourage again.
My friends.
My friends-in-law. :D
My elementary friends. Well, officemates for the two in this pic. Neighbor for the other.
Watch out for my other three photodiary blog about our garden wedding. :)
Wednesday, May 7, 2014
Let my Summer 2014 Begin NOW!!! :)
I am happy because...
- Our meeting tomorrow was moved on Monday. I can relax and do my backlogs tomorrow and the on the day after tomorrow. I am always happy whenever I can do my backlogs because a sign that I have nothing urgent in my to-do list.
- BU7 on Saturday! I am super uber excited. This time, my tita and I will combine our forces to shop till we drop! I also have a high expectation that this will be the best BU I will attend ever. :) Moreover, with our anticipated Boracay trip to celebrate Miguel's first birthday, I wish I can find and buy at least one swimming attire there. :)
- Family swimming this coming Sunday! My tito just went back home all the way from Qatar and will be here in the Philippines for around two months. To celebrate the moments that he's here, he will be throwing a pool party for us. Miguel's first swimming in a pool, if ever-- if the water is not too cold for him, then we can let him swim.
So many things to look forward to. I thought it would be another boring summer year for me because last year's summer, I was pregnant, so no summer outing for me at that time. Last last year, I got married. My whole summer was spent on wedding preps.
So now, it is my time to shine this summer! :) I am so excited this weekend. :)

Photo from: http://writelikeme.com/wp-content/uploads/2013/07/summers-.jpeg
Subscribe to:
Posts (Atom)