Sunday, May 12, 2013

Buntis Post

I just can't believe na next post ko in my blog ay buntis na ako. Parang kelan lang, nung naga-update ako ng wishlist ko dito sa site e binanggit ko pa na gusto ko ng baby boy. Ngayon eto na, 1 and a half month na lang, iire na ako!

Sobrang na-enjoy ko ang pagiging buntis ko, dahil napakabait ng asawa ko. Siya ang gumagawa ng mga chores! Though minsan gusto ko ako ang gumagawa nun, sinu-surprise ko siya minsan na nagawa ko na yung mga gagawin pa lang nya, yun e pag kaya ko. Pag hindi ko kaya, di ko pinipilit.

Ang sarap lagi ng kwentuhan namin ng asawa ko, yung tipong nagde-daydream kami na kuwari buhat namin si baby. Tapos kuwari kasama namin si baby sa mall. May mga role-playing kami minsan. Haha! At iniimagine na agad namin kung anong itsura ni baby, kung sino ang magiging kamukha. Kung makulit din kagaya ng daddy nya. Haha. Kung ano dapat itawag nya samen; mommy, mama, o ate? Para kuwari magkapatid lang kami. Haha.

Iniisip na namin kung san namin papapasukin si baby ng college. Kung san kami titira, sa Liliw ba, San Pablo, o Manila?

Ipon kami ng ipon pambili ng mga gamit ni baby. At para may pambili kami ng S-26 nya.

Nakakaba din minsan, kasi medyo natatakot agad ako pag may nararamdaman ako ng konti, feeling ko aanak na ako. Takot ako ma-premature si baby. Takot ako manganak, honestly. Takot ako ma-ceasarian, dahil sa gastos. Kahit matagal na kami nakahanda, takot pa din ako.

Kapag sumisipa si baby ng sooooooobrang lakas, parang naiisip ko agad manganganak na ako.

Iniisip ko na pano ko siya papaliguan, di ako marunong! Baka magkasipon siya. Pano kaya magpa-breastfeed? Ayoko sana magformula milk para sigurado ang health ni baby. Pero dahil sa work ko, mukhang kailangan talaga mag-formula milk siya. :( Hay. Saka ayaw din kasi ni hubby na magpa-breastfeed ako, malolosyang daw kasi ako.

Minsan umiiyak ako, lalo na pag nakikita ko yung mga stretch marks ko. Umiitim yung mga singit-singit ko. Samantalang nung dalaga pa ko, nagpapableach pa ako. Bawal magparebond ng buhok o magpa-manicure/pedicure. Lagi akong constipated. Madalas mababa si baby, lagi ako pinagpapahinga ng OB ko. Bawal kumain ng marami para hindi masyado lumaki si baby sa loob ng tiyan. Bawal nga din daw malamig na tubig, kasi kakapal daw ang panubigan, hindi agad puputok at mahihirapan daw maglabor. Bawal din manood ng The Walking Dead. Bawal magpuyat, bawal magpagod. Ang hirap magbyahe kapag buntis.

Kahit maraming bawal, nagpapasalamat pa din ako sa asawa ko. Dahil never niya ako iniwan. Hindi niya hinahayaan na mag self-pity ako. Lagi niya pinaparamdam na mahal na mahal nya ako kahit mangitim ako, maging elepante ako sa pamamanas, tumaba ako, etc, dahil sa pagbubuntis ko.

Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil magkaka-baby na kami. I just hope na hindi ma-jinx. God's will be done.

Another chapter of life na naman ang mabubuksan para saken. Basta, all I know is I can do all things through Christ who strengthens me.

Baka next blog ko, kasama na namin si baby sa picture. :)



1 comment:

  1. Hi Kristal! I was looking for pregnancy blog when I saw your blog. Sobrang nakakarelate ako sa situation mo. I think by now nasa 2 year old na yung baby mo. I'm 4 months away from my due date at sobrang nakaka-excite! Di lang ako yung na-excite. Pati asawa ko. Nung nalaman nya na buntis ako, namili agad ng mga food for pregnant women. Hahaha. Lahat. Sana maging smooth ang delivery ko.

    ReplyDelete