
Nahalata ko lang, kapag nahihilig ako sa party music, sumasama ang ugali ko. Naalala ko tuloy nung bata pa ako, ayaw ni mommy manonood ako ng MTV Asia kasi magiging rebelde daw ako. Parang ngayon naiintindihan ko na.
Binabalikan kong basahin yung Trip to Quiapo book ko. Sabi ni Sir Ricky, kapag may nararamdaman ka, namnamin mong mabuti para makasulat ka ng maganda. Pero pag ginawa ko yun, magiging weird ako I'm sure.
Weird naman talaga ang mga writers. Gusto ko ba talaga maging ganun? Parang ayoko na gusto.
Ang dami kong gagawin sa office. Nakaka-stress. Hindi nauubos. Pero ang sweldo ang bilis maubos.
Gusto ko lang naman, simpleng buhay. Makabili ng kotse at magkaroon ng successful business. Yung business na madadala ko pagtanda ko. Yung tipong pwede akong mag-enjoy lagi pag gusto ko. Pero mangyayari ba yun kung wala akong ginagawa? Pero kapag nagsisipag naman ako, ang bilis ko maburn-out. If hindi man mangyari, gusto ko maging writer. Pang-back-up plan ko talaga yung pagiging writer. Willing ako maging weird kapag hopeless na talaga ako. (Mukhang hindi mangyayari to. Kasi lagi akong may hope... and it is Jesus.)
Kaya nga ini-spend ko ang time ko sa alam ko na magla-last eternally: spending my free-time with my family. Tapos one day a month with my spiritual family.
Nakakapagod pala magsipag. Pero ayoko maging tamad.
Sana ma-encourage ako na patuloy na magsipag.
Madaming gagawin. Galaw na Intal!
Note:
Magpapakasal na nga kaya si Kuya JC? Naku, pag nangyari yun, sangkatutak na panga-alaska na naman ang aabutin ko dito sa bahay. I'm next in line. :( Hindi ko alam pano mag-react e. :(
Picture is from http://www.google.com/imgres?imgurl=http://www.antiquiet.com/wp-content/uploads/2008/06/katy-perry.jpg&imgrefurl=http://www.antiquiet.com/reviews/2008/06/katy-perrys-album-sucks-but-wed-totally-hit-it/attachment/katy-perry/&usg=__BXtDV9a86o8MUf40tGy_cAgbk8Q=&h=356&w=600&sz=76&hl=en&start=14&zoom=1&um=1&itbs=1&tbnid=Xkm2Gmt0BtyE-M:&tbnh=80&tbnw=135&prev=/images%3Fq%3Dkaty%2Bperry%26um%3D1%26hl%3Den%26sa%3DN%26tbs%3Disch:1