Monday, November 1, 2010

Did you know that Michelle Branch has 7 Tattoos?

Nung bata pa ako, madalas pumupunta ang buong family ko sa Pila, Laguna kung saan nakatira ang Lola Letty ko. Pag may okasyon sa kanila naroon kami palagi. Minsan, naiwan ako sa kwarto ng pinsan ko, nagbukas ako ng TV at pinindot ang remote sa MTV Asia. Goodbye to You ang pine-play. Medyo teary-eyed ako nung napanood ko yung music video, though hindi naman ako broken-hearted that time o kung ano pa man. Basta na-realize ko na effective na artist si Michelle Branch... o siguro maamo kasi ang mukha niya... mukhang mabait... saka hindi siya daring (or hindi ko lang nalaman na naging daring siya some point in her life)... o siguro emo lang talaga ako since bata.

Nagpapatugtog ako sa jango.com. Pag pine-play yung music, may naka-display din na picture ng artist. Napansin ko may tattoo si Michelle Branch sa balikat. Medyo nagulat ako. May pagka-wild din pala itong si Michelle Branch?! Kaya pagka-uwi ko, sin-earch ko agad sa internet yung images niya para makita ko yung details ng tattoo. Only to find out na may pito siyang tattoo!!!

Sometimes, gusto ko may tattoo, lalo na pag naka-punk na get-up. Parang ang cool. Pero minsan ayoko, lalo na kapag naka-corporate attire ako. Kasi parang ang duming tingnan. Dapat saken yung stickers na tattoo lang.

Pero minsan, naiisip ko, pwede naman itago ang tattoo. Kaso malilimitahan ako sa damit na gusto ko isuot. I mean, pano pag naka-corporate attire ako pero sleveless, tapos sa may balikat ako nagpatattoo? So hindi ko maisusuot yung damit na yun. Kasi may mga factors to consider pa. Gusto ko wear lang ng wear!

Fashion lang ba ang tattoo? Kasi kung fashion lang, ilang dress na ang mabibili ko at maraming accessories na ang katumbas kung magpapa-tattoo ako. Pero kung ganito ang ipapa-tattoo mo, hindi lang siya fashion... (Para sa mga taong madalas malito kung ano ang kaliwa at ang kanan)










Pagiisipan ko munang mabuti. Kasi kailangan ko pa ipagpaalam sa bahay at titingnan ko pa kung kaya ko ang sermon. Pero if ever, eto ang ipapatattoo ko:







Hehe. Nakuha ko sa Pet Society sa Facebook. :) Haha.

At dahil si Michelle Branch ang nag-inspire saken para maisipan ko magpa-tattoo, ipopost ko dito yung picture na nakita ko sa Jango.













Ang cute niya no. :)

Sunday, October 17, 2010

Cebu: Almost Paradise...

I am so thankful for Jaz dahil ang sipag niya maghanap ng murang fare and also for booking our flight. :) Thanks din at na-realize namin na it isn't that bad if your flight has been canceled due to technical problems (basta wag lang talaga na may event ka na pupuntahan) kasi ang ganda ng hotel accomodation ng Air Philippines. :) And of course, thank you kay Rob sa pagpapatira sa amin ng dalawang araw sa kanyang bahay. :) Iba ang ganda ng Cebu. Para kang nasa Maynila pero para ka ding nasa probinsya. Para kang nasa Maynila dahil madaming corporations sa Cebu, like call centers at magagandang hotels. May Ayala Mall din at may taxi din (sa Laguna kasi wala pa). Parang probinsya kasi hindi pa ganoon kasikip, madami pa ding puno sa paligid, kahit sa city proper. Kahit nga sa malls mapuno at maganda ang landscaping kahit ng SM.





















Ganun pala sumakay ng airplane, para ka lang ding nasa bus. Pero mas nakakahilo.


Ang isa sa mga tourist spots sa Cebu ay ang Magellan's Cross, kung saan yung cross na nakikita natin sa TV ay hindi talaga iyon ang cross na itinayo ni Magellan. Covering lang yun. Yung nasa loob nun ang tunay na cross which is parang patpat lang daw sabi ni Rob.

















Isa pa sa tourist spots ay ang Sto. Nino Basilica, kung saan nakalagak ang Sto. Nino na siyang dahilan ng Sinulog Festival.
























Kung may Fort Santiago sa Maynila, meron namang Fort San Pedro sa Cebu.


















Ay siyempre, hindi namin papalampasin ni Jaz ang masasarap na pagkain.



















Oo, shakes pa lang, ang sarap na. E di lalo na ang mga main dish, lalong lalo na ang lechon. Yummy! Pumunta din kami sa beach, at nag-swim. :) Hay... Sana pag nagka-asawa ako, sa Cebu kami tumira. Kasi 100 per hour lang ang KTV. :) Ang mura, ano? Madaming magagandang babae at lalake sa Cebu. As in. Ang puputi kasi nila. Hay, kelan kaya ako babalik sa Cebu? Sana taga dun ang mapangasawa ko. Haha. Can't wait. :D

Sunday, September 19, 2010

After Katy, now it's Tyra



If in a moment, I feel I am not going any direction, I always go back to God and try to remember what matters most. Kasi nga naman, kapag naging busy na ako pag-aayos ng santambak na problema, somewhere along the way nalo-lost ako. Sino ba naman ang gustong ma-lost.

Pag naaalala ko ang daddy, iniisip ko, handa kaya siya mamatay nung namatay siya? I know he got Jesus as his saviour pero did he make an impression to God na his life was spent well?

Kaya naisip ko kanina, kailangan ko na ilista kung ano ang mga dapat ko ma-accomplish bago ako mawala sa mundo. Lahat naman mamatay e. Una-una lang talaga.

1. Dapat makapagtanim ako ng puno. Oak tree. O kahit anong puno na tatanda ng hundreds of years.
2. Dapat may ma-publish akong book.
3. Bago ako mamatay, kung hindi kaya makabili ng bahay ang mapapangasawa ko, dapat makabili ako. At ipapamana ko yung bahay na yun sa isang taong pinakaespesyal sa akin. This will be the material sign of my security. Yun din ang gusto ko ipamana.
4. Aalamin ko ang insurance policy para ma-maximize ko siya.
5. Bibili ako ng stocks na mapupunta sa educational plan ng mga apo ko. Kung hindi man ako magkaka-asawa, sa pinakabatang immediate relative ko ibibigay.
6. Bibili na ako ng kabaong at ng lupa na paglilibingan saken.(St. Peter yata ang kasagutan dito. Hehe. So pag natapos na hulugan yung kay Mommy, saken naman.)

Kahit hindi man maging kagaya ni Rachel Joy Scott ang magiging pagkamatay ko, at least magiging maayos kong iiwan ang mga mahal ko sa buhay. Wala silang magiging sakit ng ulo kapag namatay ako.

At siyempre, since I love fashion, habang nabubuhay, magpipicture-picture na ako ng marami lalo na pag may bago akong damit. :)

Mas madali mamatay if I will spend my lifetime like Jesus did. Pano ko nasabi? Dahil Jesus spent his life well. Pinaghandaan Niya ang pagkamatay Niya. Wala siyang nakaa-away. I mean kahit may gumawa ng masama sa kanya, hindi siya nag-retaliate. Pinaubaya na lang Niya sa Diyos ang justice. Kaya ako, paghahandaan ko na din ngayon pa lang. Kung may galit saken, hindi rin ako magre-retaliate. Para saken, this is what matters most. Yung masasabi ng Diyos saken na I spent my life well.

Kaya Lord, bigyan mo po ako ng madaming damit, bags and accessories ha. :) Kasi baka fashion book po yung gawin ko. Haha. :)

Lord, Your will be done.

-------------------------------

Picture is from: http://www.celebrity-desktop-wallpaper.com/tyra-banks-model-talk-show-host-and-actress.html

Saturday, August 28, 2010

Is this the effect of Katy Perry on me?


Nahalata ko lang, kapag nahihilig ako sa party music, sumasama ang ugali ko. Naalala ko tuloy nung bata pa ako, ayaw ni mommy manonood ako ng MTV Asia kasi magiging rebelde daw ako. Parang ngayon naiintindihan ko na.

Binabalikan kong basahin yung Trip to Quiapo book ko. Sabi ni Sir Ricky, kapag may nararamdaman ka, namnamin mong mabuti para makasulat ka ng maganda. Pero pag ginawa ko yun, magiging weird ako I'm sure.

Weird naman talaga ang mga writers. Gusto ko ba talaga maging ganun? Parang ayoko na gusto.

Ang dami kong gagawin sa office. Nakaka-stress. Hindi nauubos. Pero ang sweldo ang bilis maubos.

Gusto ko lang naman, simpleng buhay. Makabili ng kotse at magkaroon ng successful business. Yung business na madadala ko pagtanda ko. Yung tipong pwede akong mag-enjoy lagi pag gusto ko. Pero mangyayari ba yun kung wala akong ginagawa? Pero kapag nagsisipag naman ako, ang bilis ko maburn-out. If hindi man mangyari, gusto ko maging writer. Pang-back-up plan ko talaga yung pagiging writer. Willing ako maging weird kapag hopeless na talaga ako. (Mukhang hindi mangyayari to. Kasi lagi akong may hope... and it is Jesus.)

Kaya nga ini-spend ko ang time ko sa alam ko na magla-last eternally: spending my free-time with my family. Tapos one day a month with my spiritual family.

Nakakapagod pala magsipag. Pero ayoko maging tamad.

Sana ma-encourage ako na patuloy na magsipag.

Madaming gagawin. Galaw na Intal!

Note:
Magpapakasal na nga kaya si Kuya JC? Naku, pag nangyari yun, sangkatutak na panga-alaska na naman ang aabutin ko dito sa bahay. I'm next in line. :( Hindi ko alam pano mag-react e. :(

Picture is from http://www.google.com/imgres?imgurl=http://www.antiquiet.com/wp-content/uploads/2008/06/katy-perry.jpg&imgrefurl=http://www.antiquiet.com/reviews/2008/06/katy-perrys-album-sucks-but-wed-totally-hit-it/attachment/katy-perry/&usg=__BXtDV9a86o8MUf40tGy_cAgbk8Q=&h=356&w=600&sz=76&hl=en&start=14&zoom=1&um=1&itbs=1&tbnid=Xkm2Gmt0BtyE-M:&tbnh=80&tbnw=135&prev=/images%3Fq%3Dkaty%2Bperry%26um%3D1%26hl%3Den%26sa%3DN%26tbs%3Disch:1

Sunday, August 1, 2010

I love Sundays.



God has been good to me, even though there are times I am not. When Pastor Robert asked if anyone love tests, actually, it is me. I love tests because I believe that those will make me stronger. But when he said earlier, we should not make our own mountains (tests). God is the one who will choose the mountain for us. And if we will create our own mountain, there will be provision in the end. It will be a flat zero.

Living in a sin? I know I am not. But I was.

Dear God,

Thank You for the Word You gave me. You made me realize again of what matters most: to love You above everything else. I made my own tests before for myself, because I loved challenges, but there were no provisions from You after I passed them. Your grace is still there inspite of those stupidity I'd done. Thank you. Now, I would like to ask for Your grace again, because the course to the mountain You are giving me now is so clear. This is the same as the mountain You gave to me back when I was still in college. I prayed I want to be a history maker. I admit I stopped in my journey for it and I would like to continue the journey now. Thank You for giving me a brand new start: to restart praying for my friends, housemates, especially my officemates so they would all experience Your love as well. So that they would like to be like You as well. Like what You have done to my life. You changed it.

Thank You for Your Word. Thank You for continuously using me for Your glory. And I want to be used only by You, not by anybody else. Give me strength. Help me to do my job well. I want to say a million thank You, but I know it is not enough for all You've done to me. I hope I could love You like how much You are loving me. Your love is so beautiful.

Love lots,
Intal

Saturday, July 31, 2010

Who's not fashionista?












There are times we "need" to spend buying clothes and shoes. But I hope we could just do it all the time!

Thanks to my favorite (and my only one)roommate Chrissy for taking the photos. :)

Sunday, July 25, 2010

Welcome Intalbongbong! (Am I welcoming myself?!)



Dahil sa gusto kong maging scrapbook kong muli ang multiply site ko, sinusubukan kong palitan siya ng theme. Sa halip na sumaya ako, nabad-trip ako. Nagka-bug siya... at hindi ko na mabuksan muli.

Kaya andito na ako sa blogspot! :)

Dahil ito ang first post ko dito, I promise na:
1. Bawat post ko, may picture na kasama.
2. Ako ay magiging isang responsableng blogger.
3. Last but not the least, hindi ko na ito buburahin at aalagaan ko na ang site na ito. :)

Bagong blogsite, bagong buhay! Welcome me!

Dear God,

Maging kapana-panabik nawa ang aking mga darating na posts. At sana po maging magaganda po ako sa mga pictures. :)

Thank you po. I-bless mo po ang blogsite na ito. I pray I could touch lives using this blog for your glory.

Amen.