Medyo confused ako... Di ko alam ang mararamdaman.
Free writing mode.
Akalain mo yun. 13th month pay pala namin nung May 23 pa! Ngayon ko lang nalaman!
Marunong na ako magcompute ng tax! At napakalaki ng tax ko. :((
Sana replyan na ako ng HR sa mga maternity-benefits-related questions ko.
At sana, mapaintindi ko OB ko na maghintay na lang kami na mapaanak ako kesa i-CS at ma-incubator pa si Miguel. If di magiging maganda ang usapan namin, magco-consult kami sa ibang OB.
Ayoko ma-CS dahil sa mga kadahilanang (Cons ng CS):
1. Leave for CS is 78 days (2 and a half month). Pero yung sweldo ko, for 2 months lang ang provided ng company. Pero hindi pwede mangyari yun dahil baka wala kami maipambayad ng mga bills.
2. Wala kaming masosobrang pera galing sa mga maternity at paternity benefits sa mga company na pinagta-trabahuhan naming mag-asawa na pwedeng gamitin sa business, maipangdagdag pampatayo ng bahay, maipang-aircon sa kwarto namin sa Makati, maipampakabit ng internet sa bahay sa Liliw.
3. Mahirap yung recovery. Hindi ko din maaalagan/mapapabreastfeed si baby agad kung nagpapagaling ako ng sugat.
4. Possible ma-incubator si Miguel since hindi na hihintayin yung full-term niya.
Pros ng CS:
1. Safe si baby the soonest possible time.
2. Hindi na magle-labor.
3. Leave for CS is 78 days (2 and a half month). Mas mahaba yung time ng pagpapabreastfeed ko.
Dadagdagan ko pa ang listahan na to pag may naisip pa ako.
Gusto ko talaga ng normal na painless delivery dahil sa mga kadahilanang (Pros ng normal-painless delivery):
1. May magiging sobra kaming pera na pwedeng gamitin sa business at maipangdagdag pampatayo ng bahay, maipang-aircon sa kwarto namin sa Makati, maipampakabit ng internet sa bahay sa Liliw.
2. Two months yung leave, two months din ang sweldo.
3. Mas madali ang recovery.
4. Most likely, hindi na mai-incubator si Miguel.
Cons ng normal-painless delivery:
1. Everyday monitoring pa din. (Mukhang keri naman 'to.)
2. Di ko alam gano kahirap at katagal ako magle-labor. (Awwwww... Lakasan ng loob ang labanan.)
3. Two months lang makakapagpa-breastfeed.
Kulang pa ako ng comforter, crib, sabitan ng damit ni baby (since hindi pwede i-hanger pag nilabhan), katulong sa bahay ni mommy, binder, malaking pulbo.
Ilang buwan akong di makakaluwas ng Manila dahil mino-monitor ang heartbeat ni baby everyday. At dahil dyan, walang kasama si Adrian sa hell (tawag ko sa kwarto namin sa Makati dahil sobrang init don pag summer, though pag Christmas season, sobrang lamig naman).
Gusto ko pumunta ng Blogger's United 5 sa June 1 sa MOA. Ayoko palampasin para may mga bago akong damit pagka-anak ko. Iniisip ko isama si mommy. Sana pumayag si Adrian kasi ibibili ko din siya ng relo sa Tomato.
Gusto ko ibili si Adrian nung nakita namin na relo sa Ultimart worth 7k kaso baka kulangin naman kami ng pera sa panganganak ko.
Kailangan pa nga pala namin maghanap ng bahay na malapit sa Eton. Hay. Pero kung makakahanap kami (alam naming mahirap talaga maghanap), hindi na naming kailangan pang pa-aircon-an at palagyan ng sub-meter yung kwarto namin sa Makati. Pero kung hindi naman kami aalis don, pwede pa kami magka-TV na may cable sa kwarto. Hmmm... :)
Ito lahat ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Ang hirap pala talaga maging nanay. Di pa lumalabas si Miguel, ang dami na agad isipin.
Pre-partum syndrome.
Post-partum syndrome.
I hope maging ok lahat.