Friday, April 29, 2011

To Go or not to Go?




May naisip akong premise kahapon na magandang gawan ng storyline... (Eto na naman ako sa mga premise ko. Puro premise na lang, wala naman nauumpisahan na storyline...) Ilista ko na lang muna tapos babalikan ko na lang pag nago-overflow na ang creative juices, and of course, if time will permit. :D In short, in God's time. Hehe.

1. Soaking yourself in lust will make you feel lonely. The history of this premise deserves another blog, which I am still thinking of the best style how to present it. Pero I'll give you a glimpse of it, dahil hindi pa ako sure kung sisipagin ba ako gumawa pa ng blog about it. I have the desire to do it, but my motivation is too weak for me to do it.

Naisip ko to while I am to battle against lust, since lust is going mainstream, let us admit it. Halos lahat ng bagay na makita ko, kina-categorize ko muna if lustful or not. Oo, napraning ako.

Okay.


2....

Whaaa!!! Wala ng number two!!!

Sobrang makakalimutin ko na talaga. :(

Kasi naman. Halimbawa, nasa jeep ka. Punuan. Santing ang init. Tapos may premise kang naisip. Makukuha mo pa ba kumuha ng ballpen at papel para isulat ang premise na yun??? Hayyy... (I think I should always bear in mind na walang gustong maging writer na tamad magsulat.)

Sir Ricky... Mukhang looooooooooooooong way to go pa ako to Quiapo. :( At di pa din ako sigurado kung makakarating ba ako doon. :( Malabo pa ng driver ko e. Will still pray for it though.

Teka, bakit ko nga ba gusto makapunta sa Quiapo? :( Will I make a difference if I decided to go? Hmmm...

Wednesday, April 27, 2011

Emo no More! :D

Lord, thank you for putting me back on track! I am now saying goodbye to all of my questions about love vs. lust. Wohooo!!! I learned the following and I wanna share it all to you, guys. I can say this is a revelation from God.

http://www.happinessonline.org/BeFaithfulToYourSexualPartner/p9.htm

Holy Spirit, please always remind me of my purpose. I wanna learn and learn about Jesus everyday so I could make Him known to everyone! Happy happy happy! :D

Broken heart mended. :D Parang gusto ko sumali sa isang movement (or to make my own) on how to mend a broken heart! :D Lord, eto na ba yung calling ko??? Hehe.

Friday, April 22, 2011

Summertime Means More Bonding Time (and More Claimed Leaves!) :D










Ang saya talaga ng summer! Basta, di ko ma-explain kung gano kasaya. :D Summer means more and more family bonding!







This is the first time that our family went out-of-town riding in a plane. :D Hope next time out-of-the-country naman! :D



These pics were taken in Lanao del Norte kung saan may zoo at butterfly farm...













































... at syempre, ang majestic Maria Christina Falls.



















Pero kahit sobrang gaganda pa ng places, pinaka-highlight pa din saken ang mga tao who made our trip very special... (spiritual family)















...nakipagkita kay Pami sa Mindanao...















...played with my beautiful inaanak...















..at napakanta pa sa Iligan.














Hindi lang yan, kumain kami sa dahon kanina (happy birthday Intin!)































... at napakanta na naman.
















I hope that there's more to come this summer. :D

Sunday, March 27, 2011

Fashion Baby like Rosanna Aranaz :)



photo from http://www.littlemissdressup.com/

I so love Rosanna Aranaz. I love her hair and the way she carry herself. I love her whenever she does the i-whip-my-hair-back-and-forth pose. Gusto ko magkaroon ng isa sa mga loafers and shades na suot niya sa blog niya. Na-inspire ako sa mga fashion tips and resolutions niya. And most of all, I want to have a fashion blog like hers...

...kaso wala pa akong SLR. :( Madami pa akong pinagkaka-gastusan ngayon, di pa ako makabili. :(

Pero I know, in God's time, magkakaroon ako ng SLR. Mag mi-mix-and-match ako ng mga damit ko at magpapa-picture. At ipo-post ko dito. Magpapagawa ako ng walk-in closet , hindi dahil sa marami akong damit, mas madali kasi mamili ng damit na ima-match kung nakahang sila lahat. :)

Tapos everytime may bago akong damit, magpapa-picture ako at malay natin, may maka-gusto. Haha. :)

Hindi ako masyado mahilig sa bags and shoes, sa damit lang talaga. Mahilig ako sa mga basics, bihira ako bumili ng mga "challenging" na damit. Kaya madali lang i-mix-and-match ang mga damit ko.

Excited na ako to go to Iligan City!!! I am going to bring my new men's shirts... which I always wear whenever I want to feel sexy and whenever I'm in doubt what to wear.

Bukod kay Rosanna Aranaz, may isa pa akong fashion icon sa buhay, ang tita ko :)



photo from http://www.facebook.com/album.php?id=1149917951&aid=2063467

Tuesday, February 22, 2011

Post-Valentine post



Sa simula ng panonood ng A Moment to Remember (Korean) movie sa Youtube: "Ang panget naman ng title, wala man lang ka-irony-irony!"

Nang matapos mapanood ang A Moment to Remember (Korean) movie: "Ah! Kaya pala A Moment to Remember ang title."

Lesson: Don't judge the movie by its title.

My lolo passed away last December 31, 2011. A year and 2 months after my dad's death. Pakiramdam ko susunod na ako this year sa sobrang lungkot. Pero naisip ko, "Wait lang, single pa ako. Di pa pwede."

After having dinner with Kriz, I always pray to read the bible, not only to hear preachings. (Tamad talaga ako magbasa.)

Anong connect? I realized God is love. At di lang yan, God's word is so full of wisdom, that you can't resist to read it.

Isa pa, nagkukwentuhan kami ni Ja about religion. Sabi niya "Kung perfect si God, bakit kailangan pa niya mag-create ng tao?" (Note: Hindi atheist si Ja. He believes in Christianity sabi niya.)

Sabi ko, "Fellowship."

Ja - "Bakit? Na-bore si God? E di hindi siya perfect."

Ako - "Hmm... May reason si God. Siguro hindi lang kaya ma-fathom ng utak natin."

Pero narealize ko lately, pagkatapos magattend ng service ng Christlife, at manood ng Fireproof movie for the 2nd time, ang sagot ay "God is love." Kaya Niya tayo ni-create.

Single ako hindi dahil sa dami ng tao sa mundo, walang may gustong ipaglaban ako. Single ako dahil mahal ako ng Diyos at ito ang plano Niya sa akin sa circumstance ko ngayon. :)

Ayoko manood ng mga Korean movies, alam kong maiiyak ako, based sa experience ko sa panonood ng My Sassy Girl and Windstruck. Kasi minsan over naman yung love nila sa tao, e si God, hindi naman nila mahalin ng ganun... Nonsense ang buhay pag ganun. Oks lang sana if they loved God more than their better half. Pero siguro hindi na lang pinakita sa movie. Hindi naman kasi kailangan ipakita lahat sa movie. Yun nga ang maganda sa mga pelikula, yung hindi binibigay lahat ang details, pero makikita dapat ng manonood yung mga subtle messages. Kaya again... DON'T JUDGE THE MOVIE BY ITS TITLE.

***Maganda ang maging writer. Matalino ang mga writers. Walang bobong writer. Laging may mensaheng gustong iparating. Pero wala ng mas gaganda pa sa Word of God. So full of wisdom. Kaya kung magsusulat ako, based sa message ng Bible. :D

God is love.

Monday, November 1, 2010

Did you know that Michelle Branch has 7 Tattoos?

Nung bata pa ako, madalas pumupunta ang buong family ko sa Pila, Laguna kung saan nakatira ang Lola Letty ko. Pag may okasyon sa kanila naroon kami palagi. Minsan, naiwan ako sa kwarto ng pinsan ko, nagbukas ako ng TV at pinindot ang remote sa MTV Asia. Goodbye to You ang pine-play. Medyo teary-eyed ako nung napanood ko yung music video, though hindi naman ako broken-hearted that time o kung ano pa man. Basta na-realize ko na effective na artist si Michelle Branch... o siguro maamo kasi ang mukha niya... mukhang mabait... saka hindi siya daring (or hindi ko lang nalaman na naging daring siya some point in her life)... o siguro emo lang talaga ako since bata.

Nagpapatugtog ako sa jango.com. Pag pine-play yung music, may naka-display din na picture ng artist. Napansin ko may tattoo si Michelle Branch sa balikat. Medyo nagulat ako. May pagka-wild din pala itong si Michelle Branch?! Kaya pagka-uwi ko, sin-earch ko agad sa internet yung images niya para makita ko yung details ng tattoo. Only to find out na may pito siyang tattoo!!!

Sometimes, gusto ko may tattoo, lalo na pag naka-punk na get-up. Parang ang cool. Pero minsan ayoko, lalo na kapag naka-corporate attire ako. Kasi parang ang duming tingnan. Dapat saken yung stickers na tattoo lang.

Pero minsan, naiisip ko, pwede naman itago ang tattoo. Kaso malilimitahan ako sa damit na gusto ko isuot. I mean, pano pag naka-corporate attire ako pero sleveless, tapos sa may balikat ako nagpatattoo? So hindi ko maisusuot yung damit na yun. Kasi may mga factors to consider pa. Gusto ko wear lang ng wear!

Fashion lang ba ang tattoo? Kasi kung fashion lang, ilang dress na ang mabibili ko at maraming accessories na ang katumbas kung magpapa-tattoo ako. Pero kung ganito ang ipapa-tattoo mo, hindi lang siya fashion... (Para sa mga taong madalas malito kung ano ang kaliwa at ang kanan)










Pagiisipan ko munang mabuti. Kasi kailangan ko pa ipagpaalam sa bahay at titingnan ko pa kung kaya ko ang sermon. Pero if ever, eto ang ipapatattoo ko:







Hehe. Nakuha ko sa Pet Society sa Facebook. :) Haha.

At dahil si Michelle Branch ang nag-inspire saken para maisipan ko magpa-tattoo, ipopost ko dito yung picture na nakita ko sa Jango.













Ang cute niya no. :)

Sunday, October 17, 2010

Cebu: Almost Paradise...

I am so thankful for Jaz dahil ang sipag niya maghanap ng murang fare and also for booking our flight. :) Thanks din at na-realize namin na it isn't that bad if your flight has been canceled due to technical problems (basta wag lang talaga na may event ka na pupuntahan) kasi ang ganda ng hotel accomodation ng Air Philippines. :) And of course, thank you kay Rob sa pagpapatira sa amin ng dalawang araw sa kanyang bahay. :) Iba ang ganda ng Cebu. Para kang nasa Maynila pero para ka ding nasa probinsya. Para kang nasa Maynila dahil madaming corporations sa Cebu, like call centers at magagandang hotels. May Ayala Mall din at may taxi din (sa Laguna kasi wala pa). Parang probinsya kasi hindi pa ganoon kasikip, madami pa ding puno sa paligid, kahit sa city proper. Kahit nga sa malls mapuno at maganda ang landscaping kahit ng SM.





















Ganun pala sumakay ng airplane, para ka lang ding nasa bus. Pero mas nakakahilo.


Ang isa sa mga tourist spots sa Cebu ay ang Magellan's Cross, kung saan yung cross na nakikita natin sa TV ay hindi talaga iyon ang cross na itinayo ni Magellan. Covering lang yun. Yung nasa loob nun ang tunay na cross which is parang patpat lang daw sabi ni Rob.

















Isa pa sa tourist spots ay ang Sto. Nino Basilica, kung saan nakalagak ang Sto. Nino na siyang dahilan ng Sinulog Festival.
























Kung may Fort Santiago sa Maynila, meron namang Fort San Pedro sa Cebu.


















Ay siyempre, hindi namin papalampasin ni Jaz ang masasarap na pagkain.



















Oo, shakes pa lang, ang sarap na. E di lalo na ang mga main dish, lalong lalo na ang lechon. Yummy! Pumunta din kami sa beach, at nag-swim. :) Hay... Sana pag nagka-asawa ako, sa Cebu kami tumira. Kasi 100 per hour lang ang KTV. :) Ang mura, ano? Madaming magagandang babae at lalake sa Cebu. As in. Ang puputi kasi nila. Hay, kelan kaya ako babalik sa Cebu? Sana taga dun ang mapangasawa ko. Haha. Can't wait. :D