Wednesday, April 1, 2015

Motherly Career

Dumadating talaga sa buhay ng isang career mom ang dilemma. Sa pagkakataong walang makakaintindi sayo kundi ang sarili mo lang, wala kang mapagsabihan ng nasa sa loob mo. Gusto mo na lang magshopping para lumipas ang pagka-guilty na nararamdaman mo sa tuwing iiwan mo ang anak mo para magtrabaho.

Tama, shopping lang ang solusyon. Baka need ko lang mag-shopping. Kaso pano? Holy week ngayon. Sarado ang mga malls.

Paano kung taasan pa lalo ng company mo ang sweldo mo? Papaano kung may mga job opportunities na nagaalok sayo ng mas mataas na sweldo? Pero ang kapalit ay oras para sa anak mo? Anong pipiliin mo?

Importante sa akin ang anak ko. Importante din sa akin ang asawa ko. Gusto ko sila paglaanan ng oras kaysa sa trabaho. Gusto ko din magtrabaho para hindi naman 100% ng oras ko ay nasa pamilya ko. Parang "me time" ko ang trabaho.

Pero pag napapagod ako sa trabaho, lalo na pag unreasonable na ang workload, gusto ko na maging nanay. Pag naman naaalala ko na gusto ko may "me time", tinitiis ko na lang ang trabaho. Alam ko na mas mahirap ang maging full-time housewife. Walang restday. 24x7 ang shift. At ang masaklap pa, walang sweldo.

Anyway, mukhang ito naman talaga ang pinapagawa ng Lord sa akin. Pero alam ko di ko nagagampanan ang trabaho ko dahil lagi ako late. Hinahayaan ko ang kasama ko na gawin lahat ng trabaho.

Bahala na nga! God's will be done.