Ganyan namin kamahal ang isa't-isa. Dalawang kasal.
Since masyado kaming madaming pictures (thanks to Wen Gonzales, the greatest photographer of all time! Thanks sa discount! :)) hahatiin ko and wedding blog ko into four installments-- Ceremony, Pictorial, Preparation, Reception.
Basically, dito sa ceremony, makikita nyo yung mga kamag-anak at friends naming mag-asawa. Hehe. Saan pa ba namin kukunin ang entourage namin?
Siyempre, di mabubuo ang kasiyahan naming magasawa kung hindi magiging kabahagi ang mga mahal namin sa buhay at mga malalapit na kaibigan. Lahat ng kakilala namin, gusto namin maramdaman nila na importante sila lahat sa aming mag-asawa.
Nagpapasalamat ako na naging posible yun, kahit na wala naman talaga kaming malaking budget para sa kasal, nairaos namin ang aming kasal. Naimbita namin lahat ng gusto namin imbitahin ng walang restrictions, at nakapunta ang lahat ng gusto pumunta na walang ikinakabahala na baka magkulang ang handa, etc.
Ang mga bawat sandali sa garden wedding namin ay hindi namin malilimutang mag-asawa, dahil dito ay naging malapit kami lalo sa isa't-isa. Nakilala naming lalo ang isa't isa. Nakakilala kami ng mga bagong tao sa preparation. Nangailangan kami ng tulong ng mga tao. Nakita namin kung sino ang mga taong handang tumulong-- na ang pamilya lang ang masasandalan mo sa panahon ng pangangailangan. Ang kaibigan ay nandyan din, pero higit na iba ang tulong na nanggagaling sa kapamilya. Puro, walang hinihintay na kapalit.
Para ma-feel nyo yung setting, eto yung garden wedding set-up. Tinulungan kami ng churchmate namin from Victory San Pablo na naga-aral ng interior designing. Since churchmate namin siya at ang ministry nya ay tumulong talaga sa mga tao, free ang services. Yung mga gamit na lang talaga yung binayaran namin.
We rented bubble machine for 500 pesos to add an intimate ambience sa garden.
The band we rented, also our churchmates. So discounted din. :D All of their family members are all musicians, from kalolo-lolo-han down to their generation-- kaya sobrang galing nila.
Ang mga makukulit na abay.
My family.
My immediate family-in-law.
My relatives-in-law.
Ninongs and ninangs.
Entourage.
Entourage again.
My friends.
My friends-in-law. :D
My elementary friends. Well, officemates for the two in this pic. Neighbor for the other.
Watch out for my other three photodiary blog about our garden wedding. :)