Thursday, November 7, 2013

Game Face On to Eton!

Hindi na natapos tapos ang mga problema namin ni Adrian, pero ok lang kasi di naman kami pinapabayaan ng Diyos. Nahihirapan man kami, marami naman kaming bagong karanasan. Halos everyday may first time!

Bumabagyo. Literally. And not literally.

Nung bata ako, masaya ako kapag may bagyo. Kasi ibig sabihin noon, bonding moments naming magpi-pinsan. Lumaki ako sa paniniwalang ang bagyo ay mga panahong magkakasama ang pamilya. Literal man o talinghaga.

Kakalipat lang ng kumpanya ko sa Eton Centris. Nagpapasalamat ako dahil sa unang linggo, hindi ko naman naranasan umuwi mag-isa. Pero sana naman wag mangyari saken na mag-isa lang ako. Sana makahanap kami ng bahay sa teacher's village. Kaso pano ang lola ko? :( Maiiwan siya mag-isa dito. Hay. Ang daming dapat i-consider. Mas madaming considerations, mas mahirap magdesisyon. Ipinagpapasa-Diyos ko na lang lahat. His will be done.