Sunday, September 15, 2013
Let the Waiting Game Begin!
Punong-puno ng galit ang nararamdaman ko kanina dahil sa yaya ni Miguel na nag-over bale at hindi na bumalik.
At dahil dyan, naglibang ako. Nagreview ako para sa Civil Service Exam. Sana makapasa ako.
Ang original plan talaga ay gumawa ng PPR. Hindi ko alam ang ipa-prioritize ko, naghihintay kami ni Adrian kung tatawagan ba siya ng PBB o hindi. :S Pero sana tawagan siya, para ako na lang maga-alaga kay Miguel, at makapagpatayo na kami ng mommy ng bakery business.
Lord, sana po wag muna mabenta yung bakery machines and supplies na inaalok samin! Sobrang ganda ng deal! Kaso hindi pa nga namin mabili dahil nasa lansonesan pa ang pera namin at hindi pa alam kung matatanggap ba si Adrian sa PBB.
Hay. I really hate waiting. Pero I know God is teaching me how to be patient.
Subscribe to:
Posts (Atom)