Thursday, November 7, 2013

Game Face On to Eton!

Hindi na natapos tapos ang mga problema namin ni Adrian, pero ok lang kasi di naman kami pinapabayaan ng Diyos. Nahihirapan man kami, marami naman kaming bagong karanasan. Halos everyday may first time!

Bumabagyo. Literally. And not literally.

Nung bata ako, masaya ako kapag may bagyo. Kasi ibig sabihin noon, bonding moments naming magpi-pinsan. Lumaki ako sa paniniwalang ang bagyo ay mga panahong magkakasama ang pamilya. Literal man o talinghaga.

Kakalipat lang ng kumpanya ko sa Eton Centris. Nagpapasalamat ako dahil sa unang linggo, hindi ko naman naranasan umuwi mag-isa. Pero sana naman wag mangyari saken na mag-isa lang ako. Sana makahanap kami ng bahay sa teacher's village. Kaso pano ang lola ko? :( Maiiwan siya mag-isa dito. Hay. Ang daming dapat i-consider. Mas madaming considerations, mas mahirap magdesisyon. Ipinagpapasa-Diyos ko na lang lahat. His will be done.

Sunday, September 15, 2013

Let the Waiting Game Begin!

Punong-puno ng galit ang nararamdaman ko kanina dahil sa yaya ni Miguel na nag-over bale at hindi na bumalik. At dahil dyan, naglibang ako. Nagreview ako para sa Civil Service Exam. Sana makapasa ako. Ang original plan talaga ay gumawa ng PPR. Hindi ko alam ang ipa-prioritize ko, naghihintay kami ni Adrian kung tatawagan ba siya ng PBB o hindi. :S Pero sana tawagan siya, para ako na lang maga-alaga kay Miguel, at makapagpatayo na kami ng mommy ng bakery business. Lord, sana po wag muna mabenta yung bakery machines and supplies na inaalok samin! Sobrang ganda ng deal! Kaso hindi pa nga namin mabili dahil nasa lansonesan pa ang pera namin at hindi pa alam kung matatanggap ba si Adrian sa PBB. Hay. I really hate waiting. Pero I know God is teaching me how to be patient.

Tuesday, June 11, 2013

Dahil Nag-play sa iPod and Bye Bye ng N'Sync...

This video was recorded almost 2 years ago.

Bibu-bibuhan ako sa office non, magli-leave kasi ako, and our batch needed to come up with a presentation para sa manager namin na paalis.

As my contribution, i made a video para gayahin nila batchmates during the presentation.

Ang payat ko pa dito grabe. Enjoy watching! :)

Bye Bye Lou

Sunday, May 26, 2013

Im gonna be a Mother!

Medyo confused ako... Di ko alam ang mararamdaman.

Free writing mode.

Akalain mo yun. 13th month pay pala namin nung May 23 pa! Ngayon ko lang nalaman!

Marunong na ako magcompute ng tax! At napakalaki ng tax ko. :((

Sana replyan na ako ng HR sa mga maternity-benefits-related questions ko.

At sana, mapaintindi ko OB ko na maghintay na lang kami na mapaanak ako kesa i-CS at ma-incubator pa si Miguel. If di magiging maganda ang usapan namin, magco-consult kami sa ibang OB.

Ayoko ma-CS dahil sa mga kadahilanang (Cons ng CS):
1. Leave for CS is 78 days (2 and a half month). Pero yung sweldo ko, for 2 months lang ang provided ng company. Pero hindi pwede mangyari yun dahil baka wala kami maipambayad ng mga bills.
2. Wala kaming masosobrang pera galing sa mga maternity at paternity benefits sa mga company na pinagta-trabahuhan naming mag-asawa na pwedeng gamitin sa business, maipangdagdag pampatayo ng bahay, maipang-aircon sa kwarto namin sa Makati, maipampakabit ng internet sa bahay sa Liliw.
3. Mahirap yung recovery. Hindi ko din maaalagan/mapapabreastfeed si baby agad kung nagpapagaling ako ng sugat.
4. Possible ma-incubator si Miguel since hindi na hihintayin yung full-term niya.

Pros ng CS:
1. Safe si baby the soonest possible time.
2. Hindi na magle-labor.
3. Leave for CS is 78 days (2 and a half month). Mas mahaba yung time ng pagpapabreastfeed ko.

Dadagdagan ko pa ang listahan na to pag may naisip pa ako.

Gusto ko talaga ng normal na painless delivery dahil sa mga kadahilanang (Pros ng normal-painless delivery):
1. May magiging sobra kaming pera na pwedeng gamitin sa business at maipangdagdag pampatayo ng bahay, maipang-aircon sa kwarto namin sa Makati, maipampakabit ng internet sa bahay sa Liliw.
2. Two months yung leave, two months din ang sweldo.
3. Mas madali ang recovery.
4. Most likely, hindi na mai-incubator si Miguel.

Cons ng normal-painless delivery:
1. Everyday monitoring pa din. (Mukhang keri naman 'to.)
2. Di ko alam gano kahirap at katagal ako magle-labor. (Awwwww... Lakasan ng loob ang labanan.)
3. Two months lang makakapagpa-breastfeed.

Kulang pa ako ng comforter, crib, sabitan ng damit ni baby (since hindi pwede i-hanger pag nilabhan), katulong sa bahay ni mommy, binder, malaking pulbo.

Ilang buwan akong di makakaluwas ng Manila dahil mino-monitor ang heartbeat ni baby everyday. At dahil dyan, walang kasama si Adrian sa hell (tawag ko sa kwarto namin sa Makati dahil sobrang init don pag summer, though pag Christmas season, sobrang lamig naman).

Gusto ko pumunta ng Blogger's United 5 sa June 1 sa MOA. Ayoko palampasin para may mga bago akong damit pagka-anak ko. Iniisip ko isama si mommy. Sana pumayag si Adrian kasi ibibili ko din siya ng relo sa Tomato.

Gusto ko ibili si Adrian nung nakita namin na relo sa Ultimart worth 7k kaso baka kulangin naman kami ng pera sa panganganak ko.

Kailangan pa nga pala namin maghanap ng bahay na malapit sa Eton. Hay. Pero kung makakahanap kami (alam naming mahirap talaga maghanap), hindi na naming kailangan pang pa-aircon-an at palagyan ng sub-meter yung kwarto namin sa Makati. Pero kung hindi naman kami aalis don, pwede pa kami magka-TV na may cable sa kwarto. Hmmm... :)

Ito lahat ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Ang hirap pala talaga maging nanay. Di pa lumalabas si Miguel, ang dami na agad isipin.

Pre-partum syndrome.

Post-partum syndrome.

I hope maging ok lahat.

Sunday, May 12, 2013

Buntis Post

I just can't believe na next post ko in my blog ay buntis na ako. Parang kelan lang, nung naga-update ako ng wishlist ko dito sa site e binanggit ko pa na gusto ko ng baby boy. Ngayon eto na, 1 and a half month na lang, iire na ako!

Sobrang na-enjoy ko ang pagiging buntis ko, dahil napakabait ng asawa ko. Siya ang gumagawa ng mga chores! Though minsan gusto ko ako ang gumagawa nun, sinu-surprise ko siya minsan na nagawa ko na yung mga gagawin pa lang nya, yun e pag kaya ko. Pag hindi ko kaya, di ko pinipilit.

Ang sarap lagi ng kwentuhan namin ng asawa ko, yung tipong nagde-daydream kami na kuwari buhat namin si baby. Tapos kuwari kasama namin si baby sa mall. May mga role-playing kami minsan. Haha! At iniimagine na agad namin kung anong itsura ni baby, kung sino ang magiging kamukha. Kung makulit din kagaya ng daddy nya. Haha. Kung ano dapat itawag nya samen; mommy, mama, o ate? Para kuwari magkapatid lang kami. Haha.

Iniisip na namin kung san namin papapasukin si baby ng college. Kung san kami titira, sa Liliw ba, San Pablo, o Manila?

Ipon kami ng ipon pambili ng mga gamit ni baby. At para may pambili kami ng S-26 nya.

Nakakaba din minsan, kasi medyo natatakot agad ako pag may nararamdaman ako ng konti, feeling ko aanak na ako. Takot ako ma-premature si baby. Takot ako manganak, honestly. Takot ako ma-ceasarian, dahil sa gastos. Kahit matagal na kami nakahanda, takot pa din ako.

Kapag sumisipa si baby ng sooooooobrang lakas, parang naiisip ko agad manganganak na ako.

Iniisip ko na pano ko siya papaliguan, di ako marunong! Baka magkasipon siya. Pano kaya magpa-breastfeed? Ayoko sana magformula milk para sigurado ang health ni baby. Pero dahil sa work ko, mukhang kailangan talaga mag-formula milk siya. :( Hay. Saka ayaw din kasi ni hubby na magpa-breastfeed ako, malolosyang daw kasi ako.

Minsan umiiyak ako, lalo na pag nakikita ko yung mga stretch marks ko. Umiitim yung mga singit-singit ko. Samantalang nung dalaga pa ko, nagpapableach pa ako. Bawal magparebond ng buhok o magpa-manicure/pedicure. Lagi akong constipated. Madalas mababa si baby, lagi ako pinagpapahinga ng OB ko. Bawal kumain ng marami para hindi masyado lumaki si baby sa loob ng tiyan. Bawal nga din daw malamig na tubig, kasi kakapal daw ang panubigan, hindi agad puputok at mahihirapan daw maglabor. Bawal din manood ng The Walking Dead. Bawal magpuyat, bawal magpagod. Ang hirap magbyahe kapag buntis.

Kahit maraming bawal, nagpapasalamat pa din ako sa asawa ko. Dahil never niya ako iniwan. Hindi niya hinahayaan na mag self-pity ako. Lagi niya pinaparamdam na mahal na mahal nya ako kahit mangitim ako, maging elepante ako sa pamamanas, tumaba ako, etc, dahil sa pagbubuntis ko.

Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil magkaka-baby na kami. I just hope na hindi ma-jinx. God's will be done.

Another chapter of life na naman ang mabubuksan para saken. Basta, all I know is I can do all things through Christ who strengthens me.

Baka next blog ko, kasama na namin si baby sa picture. :)



Goodbye Single Life. Now Saying Hello to Marriage!