Sunday, September 19, 2010

After Katy, now it's Tyra



If in a moment, I feel I am not going any direction, I always go back to God and try to remember what matters most. Kasi nga naman, kapag naging busy na ako pag-aayos ng santambak na problema, somewhere along the way nalo-lost ako. Sino ba naman ang gustong ma-lost.

Pag naaalala ko ang daddy, iniisip ko, handa kaya siya mamatay nung namatay siya? I know he got Jesus as his saviour pero did he make an impression to God na his life was spent well?

Kaya naisip ko kanina, kailangan ko na ilista kung ano ang mga dapat ko ma-accomplish bago ako mawala sa mundo. Lahat naman mamatay e. Una-una lang talaga.

1. Dapat makapagtanim ako ng puno. Oak tree. O kahit anong puno na tatanda ng hundreds of years.
2. Dapat may ma-publish akong book.
3. Bago ako mamatay, kung hindi kaya makabili ng bahay ang mapapangasawa ko, dapat makabili ako. At ipapamana ko yung bahay na yun sa isang taong pinakaespesyal sa akin. This will be the material sign of my security. Yun din ang gusto ko ipamana.
4. Aalamin ko ang insurance policy para ma-maximize ko siya.
5. Bibili ako ng stocks na mapupunta sa educational plan ng mga apo ko. Kung hindi man ako magkaka-asawa, sa pinakabatang immediate relative ko ibibigay.
6. Bibili na ako ng kabaong at ng lupa na paglilibingan saken.(St. Peter yata ang kasagutan dito. Hehe. So pag natapos na hulugan yung kay Mommy, saken naman.)

Kahit hindi man maging kagaya ni Rachel Joy Scott ang magiging pagkamatay ko, at least magiging maayos kong iiwan ang mga mahal ko sa buhay. Wala silang magiging sakit ng ulo kapag namatay ako.

At siyempre, since I love fashion, habang nabubuhay, magpipicture-picture na ako ng marami lalo na pag may bago akong damit. :)

Mas madali mamatay if I will spend my lifetime like Jesus did. Pano ko nasabi? Dahil Jesus spent his life well. Pinaghandaan Niya ang pagkamatay Niya. Wala siyang nakaa-away. I mean kahit may gumawa ng masama sa kanya, hindi siya nag-retaliate. Pinaubaya na lang Niya sa Diyos ang justice. Kaya ako, paghahandaan ko na din ngayon pa lang. Kung may galit saken, hindi rin ako magre-retaliate. Para saken, this is what matters most. Yung masasabi ng Diyos saken na I spent my life well.

Kaya Lord, bigyan mo po ako ng madaming damit, bags and accessories ha. :) Kasi baka fashion book po yung gawin ko. Haha. :)

Lord, Your will be done.

-------------------------------

Picture is from: http://www.celebrity-desktop-wallpaper.com/tyra-banks-model-talk-show-host-and-actress.html